Category Archives: Videos

Have you mastered numbers 1-10 in Tagalog?

Difficulty Level: Maralita (Absolute Beginner)

Mastering numbers 1 to 10 is a necessary to advance in any foreign language. This quiz does not use written words and forces you to recognize the numbers by just hearing them.

 


 

your first 100 tagalog sentences

 


 

Talk Tagaglog | Test Episode – Aldub Fever

“AlDub Fever” – Higit sa Pagpapakilig at Social Media Trending, Isa Siyang Pagsasabuhay ng Kulturang Pilipino
Lesson Type: Listening Comprehension with Contextual Video
Difficulty Level: Maharlika (Intermediate)

Makailan na bang beses bumida mga Pinoy sa international scene? Mula sa peaceful EDSA revolution, ilang kalamidad, hanggang sa mga beauty queens, singing sensations, at ngayon ay meron na naman – ang “AlDub Nation”. Ang komunidad na ito ay kinikilala ngayon hindi lamang sa Pilipinas, ng mga Pinoy sa iba’t ibang parte ng mundo, sa social media (kung saan ang huling pagsasama-sama ay umani ng record breaking na 41 million tweets ) at maging ang mga tanyag na news organizations na tulad ng BBC at CNN.

Ang AlDub ay ang pinagsamang pangalan ng baguhang actor na si Alden Richards at ang tinaguriang “ Dubsmash Queen” na si Maine Mendoza na gumaganap bilang Yaya Dub sa ngayon ay patok na segment sa pinakamatagal na noontime show na Eat Bulaga.

Sa isang hindi inaasahan at hindi pinagplanuhang insidente ay nabuo ang hinirang na phenomenal love team nina Alden at Yaya Dub at nagbigay daan sa segment na “ Kalyeserye” na ang ibig sabihin ay drama serye sa kalsada. Ito ay isang pagsasadula na live na ginagawa ng mga artista ng programang ito sa kalsada ng iba’t ibang lugar na kanilang pinupuntahan araw- araw upang mamigay ng mga papremyo.

At dahil sa team up na ito ay nabuhay na muli ang mga sinaunang kaugalian ng mga Pinoy pagdating sa pagliligawan at pag-ibig. Ang ilan sa mga ugaling ito na tilang natabunan na ng modernong panahon, katulad ng :

  1. Pagiging mahinhin at pakipot ng kababaihan

Ang dalagang Pilipina ay kilala sa dalawang katangiang ito. Subali’t sa paglipas ng panahon ay nagbago na ang pamamaraan at pagkilos ng dating Maria Clara na sagisag ng kapinuhan. Ang mga Pinay ay kilala rin sa pagiging pakipot kung saan ang tunay na nararamdaman , lalo na sa harap ng kalalakihan , ay tinatago, na siyang ibang –iba sa pagiging palaban at mapusok ngayon .

  1. Panunuyo at paninilbihan ng manliligaw

Ang pagsusuyuan noong unang panahon, ay hindi dinadaan sa pagtetext o pagtatagpo sa kanto lamang. Ang lalaki ay nanunuyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulaklak at iba pang mga regalo, pagdalaw sa bahay ng babae , pagharap sa mga magulang ng liniligawan, at ang paninilbihan. Ang paninilbihan ay isang pagpapakita ng kagustuhan at kahandaang gumawa ng mahihirap na mga bagay tulad ng pag-iigib ng tubig o pagsibak ng kahoy para sa minamahal na babae.

  1. Pagrespeto sa mga nakatatanda

Ang pagpasok sa relasyon noon ay may tamang paggabay ng magulang . Mula sa panliligaw hanggang sa pagpasok sa relasyon ay naka-alalay ang mga magulang . Ito ay isang pagpapakita kung gaano kalaki ang paggalang nating mga Pilipino sa ating mga magulang o kapamilyang nakatatanda.

  1. Paghihintay sa “ Tamang Panahon “

“ Sa tamang panahon” ang paboritong linya ni Lola Nidora , ang tumatayong tagapangalaga ni Yaya Dub. Isa itong pagpapakita ng angking ugali ng Pilipino na pagiging matiisin, matiyaga, ay may pananamplalataya sa Diyos na ang lahat ng ating ninanais ay kanyang ibibigay, kalian pa ? Kundi sa tamang panahon.

Dahil sa paglalagay ng ganitong mga magagandang kaugalian sa kanilang palabas ay umani na rin ng maraming pagpupuri ang AlDub love team, si Lola Nidora at ang Kalyeserye, mula sa mismong mga kabataan, sa kanilang mga magulang, guro, taga media, mga pari at ang kanilang samahan na tulad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP.

English Translation :

“AlDub Fever” – More than the Giddiness and Social Media Trending, It is the Filipino Culture Brought to Life

How many times have the Pinoys starred in the international scene? From the peaceful EDSA revolution, some calamities, to the beauty queens, singing sensations and now there is another one – AlDub Nation. The community is being recognized now, not only in the Philippines, by Pinoys in the different parts of the world, in the social media ( where its recent gathering earned a record breaking 41 million tweets ) and even by known news organizations like BBC and CNN.

AlDub is a combination of the names of the budding actor Alden Richards and Maine Mendoza, dubbed as the “Dubsmash Queen”, who portrays Yaya Dub in the present hit segment of the longest running noontime show, Eat Bulaga.

Through an unexpected and unplanned incident came the phenomenal love team of Alden and Yaya Dub and which paved way to the segment “ Kalyeserye “ meaning a drama series on the street. It is a live dramatization performed by the artists of the program on the streets of the different places they visit everyday to give away prizes.

And because of this team-up , the old Pinoy customs when it comes to courtship and love have been revived. Some of these old ways that have been overshadowed by modern times are:

  1. The women being demure and refined

The Filipino lady is known for these two traits. But as time passes by, there have been changes in the manners and actuations of the former Maria Clara who is an epitome of being refined. Pinays are also known to being able to hold back their feelings, especially infront of the males, totally different to their being bold and aggressive nowadays.

  1. Wooing and services rendered by suitors

Courtship in earlier times was not done through text messages and meet ups on the street. The men would have to woo women by giving flowers and other presents, visiting them in their homes, meeting the parents of the woman he is courting and rendering service. Rendering of services is a way of showing his willingness and preparedness to perform difficult tasks such as fetching of water and chopping of fire wood to prove his love for that woman.

  1. Respect for one’s elders

Getting into a relationship before had the proper guidance of one’s parents. From the courtship to committing one’s self to a relationship, the parents are there to assist. This is a way of showing how much respect we Filipinos have for our parents and elders.

  1. Waiting for that right time

“When the right time comes “is the favorite line of Lola Nidora who acts as Yaya Dub’s guardian. This is a manifestation of our inherent patience, diligence and faith in God that everything we long for will be given by Him, when? When the right time comes.

Because of the incorporation of these values in their program, the AlDub love team, Lola Nidora and Kalyeserye have earned praises from the youth themselves, their parents, and teachers, members of the media, priests and their organization like the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP.

This is my e-book Your First 100 Tagalog Sentences. It’s available absolutely for free on this website on this page. But if you want to support us, buy the most updated Kindle version on Amazon for a silly $1.99. Please, please, please. Your support means I can churn out more lessons. Salamat!

Listening Comprehension Exercise: Talk with Lala “Saleslady Attack!”

Difficulty Level: Maharlika (Intermediate)
Title: Talk with Lala “Saleslady Attack!”
Description: In this monologue, the show host talks about her pet peeves on salesladies.
Lesson type: Listening Comprehension, transcript of third-party video

QUIZ

Question 1: Why is the host of the show wearing make-up?

  1. The episode is about her make-up techniques.
  2. She came back from a night of clubbing.
  3. She is a saleslady and is required to wear make up at work.
  4. She was a model during a photoshoot.
  5. None of the above.

Question 2: What behavior of salesladies did the host mention which she finds annoying?

  1. The saleslady who greets you you loudly at a shop entrance.
  2. The saleslady who follows you everywhere inside the shop.
  3. The saleslady who is pushy in upselling additional products.
  4. The salesladies who text on their phones the whole day.
  5. None of the above.

Question 3: What does the host think that sales ladies who are overly attentive and follow you around the store make people feel?

  1. They make people feel obligated to buy something.
  2. They make people feel flattered by the attention.
  3. The make people feel like prey being stalked by a predator.
  4. They make people feel in a sociable mood.
  5. All of the above.

Question 4: Once, her dad went to a hardware store wearing dirty fieldwork clothes and none of the salesladies in the hardware initially minded him. What surprised people in that shop during that incident?

  1. Despite his filthy appearance he confidently flirted with the salesladies.
  2. He wasn’t assisted by anyone from the hardware.
  3. He ended up buying a lot of things from the hardware.
  4. He announced he was actually the store’s owner.
  5. None of the above.

Transcript
Basta ‘yon. Walang bisa yan. O, aminin niyo ‘yan, aminin niyo ‘yan. I’m snacking, McDonald’s. Yes, McDonald’s.

Hi guys, welcome back to my channel. See sa title ng aking video is “Saleslady Attack!” Yes, “Saleslady Attack.” Kung napapansin niyo naka-make-up ako and super make-up talaga ang lola niyo. Huwag niyo na lang po siya pansinin kasi meron po ako ginawang ah… pictorial. Meron kaming ginawang photoshoot so… ‘yun. Ako yung ginawa nilang model. Model daw oh.

Di’ ba minsan ‘pagka pumunta ka sa isang mall, tapos pumasok ka sa isang store, yung saleslady sobrang accommodating niya. Sa su.. [stutters]. Sa sobrang accommodating ng saleslady, alam mo yung kahit saan ka magpunta sa loob ng store nakasunod siya sa’yo. Eh di’ ba minsan… minsan nakakairita yung ganoon. Although ginagawa lang niya yung trabaho niya, pero diba’ nakakairita minsan na sunod lang ng sunod sa’yo ang saleslady.

“Ano ba? Mamaya na. ‘Pag may kailangan ako, tatawagin kita.”

“Kailangan ko mapag-isa. Huwag niyo ako sundan.”

Pero, don’t get me wrong, ah. Saludo ako sa mga saleslady na super, super mag-entertain ng kanilang customer, guest. Pero huwag naman masyadong O.A. yung parang ikaw na yung nahihiya dun sa store, kasi parang… feeling mo parang obligado ka bumili kapag sunod ng sunod sa’yo yung mga saleslady. ‘Di ba? Kahit hindi yun yung gusto kong bilhin, nabibili ko. Alam niyo yung minsan na parang sa sobrang sales talk ng saleslady, nabibili mo yung hindi mo dapat bilhin. Yun yung nararamdaman natin minsan pero syempre di’ natin masisisi yung saleslady kasi uhm… ginagawa lang naman niya yung trabaho niya, eh which is good, kasi uhm… trabaho niya yun na mag-entertain ng customers or pilitin… pilitin makabili yung customer ng product na yun. Tapos, may mga saleslady rin naman na suplada. Yes, di’ ba. Mga suplada sila, as in, di sila nag-eentertain ng mga… ng mga customers nila.

“Miss, meron ba kayo nito?”

“Ay wala ho kami niyan.” o “Ubos na po. Out of stock.” Duh?

Di’ ba may mga ganung saleslady talaga. Dahil diyan, kakain muna ako. Kasi…

One time nangyari ‘to sa’kin. Yung dad ko nagpunta sa mall, parang pumunta siya sa isang hardware sa mall. Madumi… madumi talaga yung suot niya, as in… Galing siya dun sa field. So ayun, madumi talaga siya. Hindi siya in-entertain ng saleslady, as in hindi siya in-entertain. Feeling ng saleslady, uhm… hindi siya bibili… Alam mo parang feeling niya pulubi yung tatay ko, parang ganoon. Pero merong isang ginintuang pusong saleslady na nag-entertain sa kanya. And, nagulat yung mga tao dun sa shop kasi maraming binili yung dad ko.

Oh, di’ ba? May mga saleslady talaga na judgmental. Alam niyo yung parang… parang mamatahin ka nila kung ano yung hitsura mo, kung ano yung… kung ano yung ka… ka-estado mo sa buhay. Di’ ba may mga ganoon.

May mga saleslady naman talaga na hindi nila ginagawa yung trabaho nila, as in tamad sila, as in, nakatingin lang sila sa ‘yo. Parang, duh? Parang “Bibili ba ‘to? Parang hindi naman.”

Sana nag-enjoy kayo dito sa maikling random talk ko about saleslady… Please guys, subscribe on my channel and thumbs up this video and comment in comment box below kung gusto nilang magcomment. Okay, see you later. Bye… Mwah!

[END]

wanna-know-answers

Answer Key: Saleslady Attack! (582 downloads )

Listening Comprehension Exercise: How to Cook Crabs in Coconut Milk

Difficulty Level: Intermediate (Maharlika)

Description: This video is a cooking show on how to cook crabs in coconut milk. It is done by a talk show host who is well known for exemplifying the kolehiyala, or coño style of talking.

Question 1: According to the cooking show host, why does a group a group of friends eating crabs together stop acting overly girlish?

  1. Because they have to start eating with their hands.
  2. Because crabs are so delicious they lose control.
  3. Because crabs have a drug-like effect.
  4. Because some members in the group may be allergic to crabs.
  5. None of the above

Question 2:  The host tells the audience that her according to cook, these are the best kinds of crabs for cooking:

  1. male crabs
  2. female crabs
  3. “bakla” crabs
  4. “tomboy” crabs
  5. freshwater crabs

Question 3:  According to the host, what is the purpose of adding ginger to the dish?

  1. to make the dish more tangy
  2. to remove the unpleasant “fishy” taste
  3. to mask any rotten flavors
  4. to make the dish sweeter
  5. all of the above

Question 4: What is the host’s opinion on using canned coconut milk is okay for the dish.

  1. The freshness of the coconut milk must not be compromised by using canned coconut milk.
  2. Canned coconut milk is only acceptable if ginger is used to freshen its flavor.
  3. Canned coconut milk must never be used due to the danger of toxins.
  4. Canned coconut milk lacks flavor and nutrition.
  5. Canned coconut milk is acceptable to the host.

Question 5: According to the host, once you are done cooking the crabs and they are ready for serving, and else can you do to make them easier to eat?

  1. Take off the legs, they don’t have much meat anyway.
  2. Cut them down the middle for easier access to the meat inside
  3. Hammer them to crack the shells, especially the pincers
  4. Pry open the top shell from the bottom one
  5. Separate the limbs from the body

don't give up

Transcript

I think there is something magical about eating crabs. Yung mga pag mga magbabarkada kayo, tapos ang ihahain alimango. Lahat ng kaartehan sa katawan natatanggal, because lahat tayo nagkakamay. Later on, I’m going to show you how to create this magical alimango dish kasi ang gagawin natin yung fresh na gata i-inffuse natin with the flavors of garlic, ginger and also siling pangsigang, para tamang-tamang kagat lang, and of course my secret ingredient talaga na nagpapasarap sa lahat ng linuluto ko ang Maggi Magic Sarap.

Okay, mag-boboil muna tayo ng ating alimango. According to my cook, ang pinaka-bongga daw na alimango, ang hingiin yung bakla. Pero some like yung sobrang ma-aligue talaga, so yun yung babae pero kung yung gusto mo na tamang portion lang, okay ito eh.. This will take anywhere from maybe… kasi ang lalaki eh, mga eight to ten minutes ito.

Oil – you can use any type but I prefer either vegetable or canola, ‘pag ganito na I’m cooking with gata.

We want to infuse the oil with the garlic, at gusto natin na medyo magbrown na ng konti ang garlic but not over… [Scene cut]

… ‘Yan, yung naaamoy-amoy mo lang, that’s what you want to achieve. Ito yung ating ginger. Ang ginger nagtatanggal ng lansa. It’s super important ‘pag ganitong mga crustaceans ang liniluto natin. So, ilalagay ko na. At ilalagay natin. This is yung siling pangsigang. If you want to be more adventurous, at mas maanghang ka, sometimes at home ang ginagawa ko, linalagyan ko pa ng labuyo.

Honestly ah, sinabi sa ‘kin na dapat sabihin ko na yung fresh, ang bongga. So sa totoo lang pwede na yung canned. I’m saying that only because naaawa naman ako dun sa mga manonood sa atin na sobrang busy ang mga lives, all those working women. So I don’t want to torment you, gamitin niyo na lang yung delata, pwede na yan. It’s practically the same. But.. this’ the first. This is the sauce na gagamitin natin ha. The second. Para lumambot na siya, the kalabasa. You can also put, I think, eggplant, and sitaw if you like.

Once kumukulo ito, yung oil na manggagaling dun sa coconut milk at sa coconut cream, ‘yun yung nagpapasarap talaga so you want that oil to come out. But what really makes everything so much more special for me is Maggi Magic Sarap, whether it’s seafood, whether it’s chicken, whether yung liniluto ko yung ganito na masarsa, or whether nagfr-fry lang ako, perfect siya.

Simmer our sauce. This is really for pasta, pero you can also use it nga for seafood, para madali na lang ang life. Hmm.. usually…

Let it cool for a bit tapos pwede na natin i-chop na yan at lialagay ko na siya dito sa sauce. What I’m going to do, yung crab, ilalagay natin… sa ating gata. We want to incorporate the sauce very well. Again kung gusto niyo dagadagan ah, yung level ng anghang nito you can put the siling labuyo. Pero remember also na we’re maintaining the flavor of the crab kasi… [scene cut]

… the great thing talaga about Maggi Magic Sarap is hindi niya inaalter yung taste ng food, lalo lang [slurred] niyang pinapasarap.

Ohhh.. may magic.. Ohhh… sarap. So this is ready for plating. Kung gusto niyo nga pala, pwede rin na mas pinukpok pa, lalo na yung mga sipit, para mas madali when you have guests. Ang nakakatuwa ‘pag nagseserve ako parang sinasabi nilang lahat talaga “nagawa mo na yan?” but kung tinimingan niyo ‘di ba? It didn’t take long. Yun yung magic na binibigay talaga ng Magic Sarap. Sabi ko hindi ko guguluhin pero gusto ko nang guluhin para matikman ko. Ay, my god. Ang saya, ang sarap. Kumagat talaga yung flavor at yung lasa. nandun talaga yung sarap na hinahanap natin. Nako, you can really cook like a queen, because of Maggi Magic Sarap. Until next time. See you.

Note: she uses the word pangsigang which is acceptable, but it maybe noted pansigang is considered standard. A “bakla” crab, literally a male homosexual crab, is a crab wherein the gender is neither distinctly male nor distinctly female when examined from the outside.

wanna-know-answers

Answer Key: Cooking Crabs in Coconut Milk (417 downloads )