Category Archives: Listening Comprehension

Have you mastered numbers 1-10 in Tagalog?

Difficulty Level: Maralita (Absolute Beginner)

Mastering numbers 1 to 10 is a necessary to advance in any foreign language. This quiz does not use written words and forces you to recognize the numbers by just hearing them.

 


 

your first 100 tagalog sentences

 


 

Talk Tagalog | James and Angel: Episode 5: Buying Fruits at the Market

James and Angel are at the market together. They buy fruits commonly found in the Philippines.

Tagalog Transcript:
James : Mabuti naman na nasamahan mo ako sa palengke ngayon. Salamat ha, Angel.
Angel : Walang anuman James. May gusto rin kasing ipabili ang nanay ko na mga prutas.
James : Bibili rin ako ng prutas. Mahilig kasi ako sa masustansyang pagkain.
Angel : Eto o, ang lalaki ng saging. Hinog na siya, kasi dilaw na.
James : Gusto ko naman ang mansanas na ‘to, yung mga kulay pula.
Angel : Kuha din tayo ng ponkan. Siguradong magugustuhan ito ng nanay ko. Mura pa yung presyo niya.
James : Paano kaya itong langka? Medyo mahal siya ngayon pero matagal na ako hindi nakakakain ng langka.
Angel : Sulit na siguro ‘yan sa presyo niya. Uy, bili din tayo ng pinya, pero patalop muna natin sa tindera.
James : Oo, mahirapan kasi gawin ‘yan ng tama… yung tinatanggal mo yung mata ng paikot.
Angel: Nagbilin pala nanay ko bumili ng papaya. Kuha tayo ng berde, para gamitin ng mama ko sa tinola.
James: Tamang-tama, bibili din kasi ako ng papaya. Pero yung pahinog pa lang, kasi hindi ko siya agad makakain.
Angel : Uy, ito oh, ang laki ng pakwan. Baka hindi namin maubos to.
James : Ipahati na lang natin sa dalawa, para parehong tayong meron.
Angel: Matamis kaya siya?
James: Sa palagay ko matamis siya.
Angel: Tara, patimbang na natin ito.

English Translation:
James : It’s great you were able to accompany me to the market today. Thanks a lot, Angel.
Angel : You’re welcome James. My mom asked me to to buy her some fruits for her, anyway.
James : I’ll be buying fruits too. I’m fond of eating healthy food.
Angel : Here, these bananas are big. They’re ripe already, since they’re yellow.
James : I want these apples, the red ones.
Angel : Let’s get these Ponkan oranges too. My mom will like them for sure.They’re pretty cheap too.
James : How about this jackfruits? They’re a little expensive now but I haven’t had jackfruit in a while.
Angel : I think it’s worth it’s price. Hey, let’s buy some pineapples, but let’s let the vendor lady peel it.
James : Yes, it’s quite difficult to do it right… carving out all those “eyes” in a spiral.
Angel : My mom asked me to buy some papayas. Let’s get a green one, since we’ll use them for chicken broth.
James : It just so happens I’m going to buy a papaya too. But I’m going to get one that’s just about to ripen, since I won’t get to eat it at once.
Angel : Hey, look at how huge this watermelon is. I don’t think we’d be able to eat it all up.
James : Let ask them to cut it into halves, so both of us will have some.
Angel : Do you think it’s sweet.
James: I think it’s sweet.
Angel : Come on, let’s have it weighed.

Talk Tagalog | James and Angel: Episode 4 – Filipino Food Dining Out

James and Angel are eating together in a restaurant. They order popular Filipino dishes.

Tagalog Transcript:
James : Angel, parang ang sarap ng pagkain sa restaurant na ‘to.
Angel : Oo nga James. Salamat sa pagdala mo sakin dito, ha.
James : Ano ang gusto mong kainin?
Angel : Mahilig ako sa gulay, lalo na ‘pag sariwang-sariwa.
James : Ako rin. Pero samahan natin ng karne.
Angel : Sige. Ako naman, gusto ko ng isda, pritong tilapia.
James : Miss ko nang kumain ng sinigang na baboy.
Angel: Oo masarap ‘pag may sabaw. Subukan din natin yung nilagang baka nila.
James : Dagdagan na rin natin ng adobong manok.
Angel : ‘Wag din natin kalimutan magorder ng panghimagas.
James: Siyempre naman. May leche flan at halo-halo sila.
Angel: Anong drinks mo? Soft drinks or ice tea?
James: Tubig na lang siguro ako. Sayo?
Angel: Gusto ko mag-mango juice.
James : At siyempre, dapat may kanin. Mageextra rice ako.
Angel : Uy! Ano ba ito? Sa dami ng pinaplano nating orderin, baka hindi natin maubos.
James: Oo. Mukhang fiesta na ang kalalabasan nito.
Angel: Tara tawagin na natin ang waiter.
James: Waiter!

English Translation:
James : Angel, it seems like the food in this restauramt is really good.
Angel : You’re right, James. Thanks for bringing me here.
James : What do you want to eat?
Angel : I’m fond of veggies, especially if they’re really fresh.
James : Me too. But let’s have some meat too.
Angel : Sure. As for me, I want some fish – fried tilapia.
James : I miss eating pork tamarind soup.
Angel : Yeah, its great when there’s soup. Let’s try the beef soup as well.
James : And let’s add some chicken adobo.
Angel : Ang don’t forget to order dessert.
James : Of course we should. They have custard cake and halo-halo.
Angel : What are you having to drink? Soft drinks or iced tea?
James : I’ll just have water, perhaps. And you?
Angel : I want to have some mango juice.
James: And of course, we must have rice. I’m going to have an extra serving of rice.
Angel: Hey, what’s happening here. With everything we plan on ordering, I don’t think we’ll finish everything.
James : Yup. It looks like we’re going to have a fiesta.
Angel: Come on. Let’s call the waiter.
James: Waiter!

Talk Tagalog | James and Angel: Episode 3 – Pursuing Your Dreams

James and Angel unexpectedly bump into each other at the University. They talk about their future plans.

Tagalog Transcript:
Angel : James? Ikaw ‘yan?
James : Angel, ako nga. Dito ka rin pala naka-enrol?
Angel : Ay, oo. Pangalawang taon ko na dito. Nursing ang course ko.
James : Galing, ah! Ako naman Mechanical Engineering ang kinukuha ko. Halika, upo muna tayo.
Angel : Sige. Mamaya pa naman ang sunod kong klase.
James : Ako, tapos na ang huling klase ko sa araw na ‘to.
Angel : Anong year ka na?
James : Third year na ako. Pagiging nurse pala ang pangarap mo.
Angel : Nurse kasi mama ko. Kaya bata pa lang ako, yun din ang naging gusto ko.
James : Yung tatay ko naman nag-abroad para magtrabaho bilang mekaniko.
Angel : Mag aabroad ka rin?
James : Balak ko sana magtayo kami ng negosyo nila Papa dito sa Pilipinas.
Angel : Sana matupad ang mga pangarap natin, James.
James : Basta magtiyatiyaga tayo, sigurado ako malayo ang mararating natin.
Angel : Kaya kailangan natin pagbutihin ang pagaaral natin.
James : Tama ka, Angel.
Angel : O, paano? Kailangan ko na mauna. May klase pa ako.
James : Uwi na rin ako para magaral. Magkita-kita na lang tayo sa sunod.

English Translation:
Angel : James? Is that you?
James : Yes it’s me, Angel. You’re enrolled her too?
Angel : Oh, yes. It’s my second year here. My course is nursing.
James : That’s great! As for me, I’m taking Mechanical Engineering. Come on, let’s sit down for a while.
Angel : Sure. My next class is still later.
James : As for me, my last class for today has ended.
Angel : What year are you in?
James : I’m on my third year already. I didn’t know you want to be a nurse.
Angel : My mom’s a nurse. That’s why even as a child, that’s what also what I’ve wanted to be.
James : As for my dad, he went abroad to work as a mechanic.
Angel : Will you be going abroad too?
James : I plan to put up a business with my dad here in the Philippines.
Angel : I hope our dreams will come true, James.
James : As long as we work hard, I’m sure we’re going to get somewhere.
Angel : That’s why we have to do well with our studies.
James : That’s right, Angel.
Angel : So, what do say? I’ve got to go. I’ve still got a class.
James : I’ll be going home to study. See you next time around.

Talk Tagalog | James and Angel: Episode 2 – Finding the Right Gift

James visited the gift shop owned by Angel’s family and asked for his female friend’s suggestion for a birthday gift for James’ mom

Tagalog Transcript:
James : Magandang umaga, Angel.
Angel : Uy! Magandang umaga din. Kumusta ka? Salamat sa pagbisita mo dito sa tindahan namin, ha.
James : Ayos lang ako. Salamat din. Mabigat ang trapik, pero nakarating na ako sa wakas.
Angel : Ano ang maitutulong ko sa iyo?
James : Birthday kasi ng nanay ko bukas. Baka meron kang mairerekomenda sa akin na pwedeng iregalo sa kanya.
Angel : Ah talaga? Saan ba mahilig ang Mama mo? Mga damit? Mga bag? Sapatos ba?
James : Hindi siya mahilig diyan.
Angel : Meron din kaming tinda na mga accessories – kwintas, hikaw, pulseras.
James : May iba pa ba? Ang hilig talaga ng Mama ko ay ang magbiyahe.
Angel : Ah, alam ko na. May mga bandana kami.
James : Ayun! Malamang magugustuhan niya ‘pag bandana. Sige, pakitulungan mo naman akong maghanap ng maganda para sa kanya.
Angel : Halika, nandito, nakasabit. Mamili na tayo.
English Translation:
James : Good morning, Angel.
Angel : Angel : Hey! Good morning too. How are you? Thanks for visiting us at our store.
James : I’m doing well. Thanks, also. The traffic was heavy, but I’ve finally gotten here.
Angel : How can I help you?
James : Tomorrow is my mother’s birthday. You might want to recommend something to me that I give to her as a gift.
Angel : Oh really? What are your mother’s interests? Clothes? Bags? Shoes?
James : No, she isn’t fond of those.
Angel : We also have some accessories for sale – necklaces, earrings, bracelets.
James : Is there anything else? What my mom really likes to do is travel.
Angel : Oh, I know We have bandanas.
James : There you go! I’m sure she’d like it if it’s a bandana. Okay, please help me find a nice one for her.
Angel : Come on, they’re here, hanging. Let’s choose one.

Talk Tagalog | James and Angel: Episode 1 – Looking for the Clubhouse

Angel went to meet a friend at the clubhouse of a subdivision. However, her phone ran out of battery so she couldn’t call her friend to ask for directions to get there. Angel sees a man and decides to ask for help.

Tagalog Transcript:
Angel : Hello. Pasensya na. Pwede ba kitang maabala?
James : Syempre naman. Ano ang maitutulong ko sayo?
Angel : Papunta sana ako sa clubhouse ng subdivision na ‘to, pero nawalan na ng baterya phone ko. Hindi ko tuloy matawagan ang kaibigan ko para magtanong ng direksyon papunta doon.
James : Ah. Lakad ka lang ng deretso tapos sa ika-apat na kanto, sa Bayani St., liko ka sa kaliwa. Derechuhin mo lang, tapos makikita mo sa kanan ang clubhouse.
Angel : Uy, maraming salamat ha.
James: Bakit ka nga pala pupunta doon?
Angel : Imi-meet ko kasi ang friend ko.
James : Ah, okay. Actually, papunta rin ako doon para maglaro ng basketbol. Gusto mo bang sabayan na kita?
Angel: Talaga? Sige, please.
James: Ako nga pala si James. Anong pangalan mo?
Angel: Ako si Angel.
James: Tara na, Angel. Baka naghihintay na ang friend mo .
Angel : Salamat ulit, James.

English Translation:
Angel : Hello. I am sorry. May I disturb you?
James : Of course. How can I help you?
Angel : : I was supposed to go the clubhouse of this subdivision, but my phone’s battery died. So I can’t call my friend to ask her for directions to get there.
James : Ah. Just walk straight ahead then on the fourth street corner, at Bayani St., turn left. Go straight ahead then you’ll see the clubhouse on your right.
Angel : Oh, thank you very much.
James: By the way, why are you going there?
Angel : Because I’ll meet my friend.
James : Oh okay. Actually, I am about to go there too to play basketball. Would you want me to go with you?
Angel: Really? Yes, please.
James: By the way, I’m James. What’s your name?
Angel: I’m Angel.
James: Let’s go, Angel. Your friend might be waiting there already .
Angel : Thanks again, James.

Talk Tagalog | Pilot Episode B – Limang Katangian ng Pilipinas Bago Dumating ang mga Kastila

Talk Tagalog – Learn Tagalog the Natural Way
Lesson Type: Listening Comprehension
Difficulty Level: Bayani (Upper Intermediate)
Topic: Limang Katangian ng Pilipinas Bago Dumating and mga Kastila (Five Characteristics of the Philippines Before the Arrival of the Spaniards)

Philippine history is a colorful rice cake, baked with multiple layers of migrations and colonists. The farther back into the past you go the more layers you have to peel back. Before the arrival of the Colonial Spaniards, the islands had vibrant cultures and societies. Find out the more about what makes Filipinos Filipinos by taking a mental journey in the archipelago’s deep past before the first Europeans set foot on Philippine shores.

Other Recommended Tagalog Lessons:

Did you find this a bit difficult? No worries. Let’s go one notch down to the intermediate level with another listening comprehension episode Ang Dyipni about the Philippine passenger jeep. There’s also a little neat quiz after each article you can take to test your learning.

You don’t want to practice listening comprehension anymore? You can read something more technical like this article on Tagalog grammar that discusses Tagalog prefixes, infixes and suffixes?

Like our stuff? Click on the smiling monkey to subscribe to our Talk Tagalog Community Newsletter

Answer Key
Question 1: B
Question 2: E
Question 3: A
Question 4: D
Question 5: D

Talk Tagalog | Pilot Episode A – Ang Dyipni

Talk Tagalog – Learn Tagalog the Natural Way
Lesson Type: Listening Comprehension
Difficulty Level: Maharlika (Intermediate)
Topic: Ang Dyipni (The Philippine passenger jeep)

Philippine passenger jeeps are the most common form of transportation in the Philippines. It is impossible to spend even a day in the country without noticing these brightly-colored, garish kings of the streets. In this episode, find out where the Philippine jeepney came from, and why they are so close to the hearts of Filipinos.

Other Recommended Tagalog Lessons:

All this listening make you hungry? How about practicing your listening skills with this transcript of these news reports about food glorious food the Maginhawa Food Street or Filipino Cold Streets. There is a little neat quiz after each article you can take to test your learning.

Did you like this? There’s another pilot episode like this, which is a bit longer but up one difficulty level: Limang Katangian ng Pilipinas Bago Dumating ang mga Kastila (Five Characteristics of the Philippines before the Arrival of the Spanish).

You don’t want to practice listening comprehension anymore? You can read something on the broader level like, Why Should You Learn Tagalog?.

 

Like our stuff? Click on the smiling monkey to subscribe to our Talk Tagalog Community Newsletter

Answer Key
Question 1: C
Question 2: A
Question 3: D
Question 4: D

Talk Tagaglog | Test Episode – Aldub Fever

“AlDub Fever” – Higit sa Pagpapakilig at Social Media Trending, Isa Siyang Pagsasabuhay ng Kulturang Pilipino
Lesson Type: Listening Comprehension with Contextual Video
Difficulty Level: Maharlika (Intermediate)

Makailan na bang beses bumida mga Pinoy sa international scene? Mula sa peaceful EDSA revolution, ilang kalamidad, hanggang sa mga beauty queens, singing sensations, at ngayon ay meron na naman – ang “AlDub Nation”. Ang komunidad na ito ay kinikilala ngayon hindi lamang sa Pilipinas, ng mga Pinoy sa iba’t ibang parte ng mundo, sa social media (kung saan ang huling pagsasama-sama ay umani ng record breaking na 41 million tweets ) at maging ang mga tanyag na news organizations na tulad ng BBC at CNN.

Ang AlDub ay ang pinagsamang pangalan ng baguhang actor na si Alden Richards at ang tinaguriang “ Dubsmash Queen” na si Maine Mendoza na gumaganap bilang Yaya Dub sa ngayon ay patok na segment sa pinakamatagal na noontime show na Eat Bulaga.

Sa isang hindi inaasahan at hindi pinagplanuhang insidente ay nabuo ang hinirang na phenomenal love team nina Alden at Yaya Dub at nagbigay daan sa segment na “ Kalyeserye” na ang ibig sabihin ay drama serye sa kalsada. Ito ay isang pagsasadula na live na ginagawa ng mga artista ng programang ito sa kalsada ng iba’t ibang lugar na kanilang pinupuntahan araw- araw upang mamigay ng mga papremyo.

At dahil sa team up na ito ay nabuhay na muli ang mga sinaunang kaugalian ng mga Pinoy pagdating sa pagliligawan at pag-ibig. Ang ilan sa mga ugaling ito na tilang natabunan na ng modernong panahon, katulad ng :

  1. Pagiging mahinhin at pakipot ng kababaihan

Ang dalagang Pilipina ay kilala sa dalawang katangiang ito. Subali’t sa paglipas ng panahon ay nagbago na ang pamamaraan at pagkilos ng dating Maria Clara na sagisag ng kapinuhan. Ang mga Pinay ay kilala rin sa pagiging pakipot kung saan ang tunay na nararamdaman , lalo na sa harap ng kalalakihan , ay tinatago, na siyang ibang –iba sa pagiging palaban at mapusok ngayon .

  1. Panunuyo at paninilbihan ng manliligaw

Ang pagsusuyuan noong unang panahon, ay hindi dinadaan sa pagtetext o pagtatagpo sa kanto lamang. Ang lalaki ay nanunuyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulaklak at iba pang mga regalo, pagdalaw sa bahay ng babae , pagharap sa mga magulang ng liniligawan, at ang paninilbihan. Ang paninilbihan ay isang pagpapakita ng kagustuhan at kahandaang gumawa ng mahihirap na mga bagay tulad ng pag-iigib ng tubig o pagsibak ng kahoy para sa minamahal na babae.

  1. Pagrespeto sa mga nakatatanda

Ang pagpasok sa relasyon noon ay may tamang paggabay ng magulang . Mula sa panliligaw hanggang sa pagpasok sa relasyon ay naka-alalay ang mga magulang . Ito ay isang pagpapakita kung gaano kalaki ang paggalang nating mga Pilipino sa ating mga magulang o kapamilyang nakatatanda.

  1. Paghihintay sa “ Tamang Panahon “

“ Sa tamang panahon” ang paboritong linya ni Lola Nidora , ang tumatayong tagapangalaga ni Yaya Dub. Isa itong pagpapakita ng angking ugali ng Pilipino na pagiging matiisin, matiyaga, ay may pananamplalataya sa Diyos na ang lahat ng ating ninanais ay kanyang ibibigay, kalian pa ? Kundi sa tamang panahon.

Dahil sa paglalagay ng ganitong mga magagandang kaugalian sa kanilang palabas ay umani na rin ng maraming pagpupuri ang AlDub love team, si Lola Nidora at ang Kalyeserye, mula sa mismong mga kabataan, sa kanilang mga magulang, guro, taga media, mga pari at ang kanilang samahan na tulad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP.

English Translation :

“AlDub Fever” – More than the Giddiness and Social Media Trending, It is the Filipino Culture Brought to Life

How many times have the Pinoys starred in the international scene? From the peaceful EDSA revolution, some calamities, to the beauty queens, singing sensations and now there is another one – AlDub Nation. The community is being recognized now, not only in the Philippines, by Pinoys in the different parts of the world, in the social media ( where its recent gathering earned a record breaking 41 million tweets ) and even by known news organizations like BBC and CNN.

AlDub is a combination of the names of the budding actor Alden Richards and Maine Mendoza, dubbed as the “Dubsmash Queen”, who portrays Yaya Dub in the present hit segment of the longest running noontime show, Eat Bulaga.

Through an unexpected and unplanned incident came the phenomenal love team of Alden and Yaya Dub and which paved way to the segment “ Kalyeserye “ meaning a drama series on the street. It is a live dramatization performed by the artists of the program on the streets of the different places they visit everyday to give away prizes.

And because of this team-up , the old Pinoy customs when it comes to courtship and love have been revived. Some of these old ways that have been overshadowed by modern times are:

  1. The women being demure and refined

The Filipino lady is known for these two traits. But as time passes by, there have been changes in the manners and actuations of the former Maria Clara who is an epitome of being refined. Pinays are also known to being able to hold back their feelings, especially infront of the males, totally different to their being bold and aggressive nowadays.

  1. Wooing and services rendered by suitors

Courtship in earlier times was not done through text messages and meet ups on the street. The men would have to woo women by giving flowers and other presents, visiting them in their homes, meeting the parents of the woman he is courting and rendering service. Rendering of services is a way of showing his willingness and preparedness to perform difficult tasks such as fetching of water and chopping of fire wood to prove his love for that woman.

  1. Respect for one’s elders

Getting into a relationship before had the proper guidance of one’s parents. From the courtship to committing one’s self to a relationship, the parents are there to assist. This is a way of showing how much respect we Filipinos have for our parents and elders.

  1. Waiting for that right time

“When the right time comes “is the favorite line of Lola Nidora who acts as Yaya Dub’s guardian. This is a manifestation of our inherent patience, diligence and faith in God that everything we long for will be given by Him, when? When the right time comes.

Because of the incorporation of these values in their program, the AlDub love team, Lola Nidora and Kalyeserye have earned praises from the youth themselves, their parents, and teachers, members of the media, priests and their organization like the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP.

This is my e-book Your First 100 Tagalog Sentences. It’s available absolutely for free on this website on this page. But if you want to support us, buy the most updated Kindle version on Amazon for a silly $1.99. Please, please, please. Your support means I can churn out more lessons. Salamat!

Listening Comprehension Exercise: Talk with Lala “Saleslady Attack!”

Difficulty Level: Maharlika (Intermediate)
Title: Talk with Lala “Saleslady Attack!”
Description: In this monologue, the show host talks about her pet peeves on salesladies.
Lesson type: Listening Comprehension, transcript of third-party video

QUIZ

Question 1: Why is the host of the show wearing make-up?

  1. The episode is about her make-up techniques.
  2. She came back from a night of clubbing.
  3. She is a saleslady and is required to wear make up at work.
  4. She was a model during a photoshoot.
  5. None of the above.

Question 2: What behavior of salesladies did the host mention which she finds annoying?

  1. The saleslady who greets you you loudly at a shop entrance.
  2. The saleslady who follows you everywhere inside the shop.
  3. The saleslady who is pushy in upselling additional products.
  4. The salesladies who text on their phones the whole day.
  5. None of the above.

Question 3: What does the host think that sales ladies who are overly attentive and follow you around the store make people feel?

  1. They make people feel obligated to buy something.
  2. They make people feel flattered by the attention.
  3. The make people feel like prey being stalked by a predator.
  4. They make people feel in a sociable mood.
  5. All of the above.

Question 4: Once, her dad went to a hardware store wearing dirty fieldwork clothes and none of the salesladies in the hardware initially minded him. What surprised people in that shop during that incident?

  1. Despite his filthy appearance he confidently flirted with the salesladies.
  2. He wasn’t assisted by anyone from the hardware.
  3. He ended up buying a lot of things from the hardware.
  4. He announced he was actually the store’s owner.
  5. None of the above.

Transcript
Basta ‘yon. Walang bisa yan. O, aminin niyo ‘yan, aminin niyo ‘yan. I’m snacking, McDonald’s. Yes, McDonald’s.

Hi guys, welcome back to my channel. See sa title ng aking video is “Saleslady Attack!” Yes, “Saleslady Attack.” Kung napapansin niyo naka-make-up ako and super make-up talaga ang lola niyo. Huwag niyo na lang po siya pansinin kasi meron po ako ginawang ah… pictorial. Meron kaming ginawang photoshoot so… ‘yun. Ako yung ginawa nilang model. Model daw oh.

Di’ ba minsan ‘pagka pumunta ka sa isang mall, tapos pumasok ka sa isang store, yung saleslady sobrang accommodating niya. Sa su.. [stutters]. Sa sobrang accommodating ng saleslady, alam mo yung kahit saan ka magpunta sa loob ng store nakasunod siya sa’yo. Eh di’ ba minsan… minsan nakakairita yung ganoon. Although ginagawa lang niya yung trabaho niya, pero diba’ nakakairita minsan na sunod lang ng sunod sa’yo ang saleslady.

“Ano ba? Mamaya na. ‘Pag may kailangan ako, tatawagin kita.”

“Kailangan ko mapag-isa. Huwag niyo ako sundan.”

Pero, don’t get me wrong, ah. Saludo ako sa mga saleslady na super, super mag-entertain ng kanilang customer, guest. Pero huwag naman masyadong O.A. yung parang ikaw na yung nahihiya dun sa store, kasi parang… feeling mo parang obligado ka bumili kapag sunod ng sunod sa’yo yung mga saleslady. ‘Di ba? Kahit hindi yun yung gusto kong bilhin, nabibili ko. Alam niyo yung minsan na parang sa sobrang sales talk ng saleslady, nabibili mo yung hindi mo dapat bilhin. Yun yung nararamdaman natin minsan pero syempre di’ natin masisisi yung saleslady kasi uhm… ginagawa lang naman niya yung trabaho niya, eh which is good, kasi uhm… trabaho niya yun na mag-entertain ng customers or pilitin… pilitin makabili yung customer ng product na yun. Tapos, may mga saleslady rin naman na suplada. Yes, di’ ba. Mga suplada sila, as in, di sila nag-eentertain ng mga… ng mga customers nila.

“Miss, meron ba kayo nito?”

“Ay wala ho kami niyan.” o “Ubos na po. Out of stock.” Duh?

Di’ ba may mga ganung saleslady talaga. Dahil diyan, kakain muna ako. Kasi…

One time nangyari ‘to sa’kin. Yung dad ko nagpunta sa mall, parang pumunta siya sa isang hardware sa mall. Madumi… madumi talaga yung suot niya, as in… Galing siya dun sa field. So ayun, madumi talaga siya. Hindi siya in-entertain ng saleslady, as in hindi siya in-entertain. Feeling ng saleslady, uhm… hindi siya bibili… Alam mo parang feeling niya pulubi yung tatay ko, parang ganoon. Pero merong isang ginintuang pusong saleslady na nag-entertain sa kanya. And, nagulat yung mga tao dun sa shop kasi maraming binili yung dad ko.

Oh, di’ ba? May mga saleslady talaga na judgmental. Alam niyo yung parang… parang mamatahin ka nila kung ano yung hitsura mo, kung ano yung… kung ano yung ka… ka-estado mo sa buhay. Di’ ba may mga ganoon.

May mga saleslady naman talaga na hindi nila ginagawa yung trabaho nila, as in tamad sila, as in, nakatingin lang sila sa ‘yo. Parang, duh? Parang “Bibili ba ‘to? Parang hindi naman.”

Sana nag-enjoy kayo dito sa maikling random talk ko about saleslady… Please guys, subscribe on my channel and thumbs up this video and comment in comment box below kung gusto nilang magcomment. Okay, see you later. Bye… Mwah!

[END]

wanna-know-answers

Answer Key: Saleslady Attack! (499 downloads )