Tag Archives: Natural

Listening Comprehension Exercise: Talk with Lala “Saleslady Attack!”

Difficulty Level: Maharlika (Intermediate)
Title: Talk with Lala “Saleslady Attack!”
Description: In this monologue, the show host talks about her pet peeves on salesladies.
Lesson type: Listening Comprehension, transcript of third-party video

QUIZ

Question 1: Why is the host of the show wearing make-up?

  1. The episode is about her make-up techniques.
  2. She came back from a night of clubbing.
  3. She is a saleslady and is required to wear make up at work.
  4. She was a model during a photoshoot.
  5. None of the above.

Question 2: What behavior of salesladies did the host mention which she finds annoying?

  1. The saleslady who greets you you loudly at a shop entrance.
  2. The saleslady who follows you everywhere inside the shop.
  3. The saleslady who is pushy in upselling additional products.
  4. The salesladies who text on their phones the whole day.
  5. None of the above.

Question 3: What does the host think that sales ladies who are overly attentive and follow you around the store make people feel?

  1. They make people feel obligated to buy something.
  2. They make people feel flattered by the attention.
  3. The make people feel like prey being stalked by a predator.
  4. They make people feel in a sociable mood.
  5. All of the above.

Question 4: Once, her dad went to a hardware store wearing dirty fieldwork clothes and none of the salesladies in the hardware initially minded him. What surprised people in that shop during that incident?

  1. Despite his filthy appearance he confidently flirted with the salesladies.
  2. He wasn’t assisted by anyone from the hardware.
  3. He ended up buying a lot of things from the hardware.
  4. He announced he was actually the store’s owner.
  5. None of the above.

Transcript
Basta ‘yon. Walang bisa yan. O, aminin niyo ‘yan, aminin niyo ‘yan. I’m snacking, McDonald’s. Yes, McDonald’s.

Hi guys, welcome back to my channel. See sa title ng aking video is “Saleslady Attack!” Yes, “Saleslady Attack.” Kung napapansin niyo naka-make-up ako and super make-up talaga ang lola niyo. Huwag niyo na lang po siya pansinin kasi meron po ako ginawang ah… pictorial. Meron kaming ginawang photoshoot so… ‘yun. Ako yung ginawa nilang model. Model daw oh.

Di’ ba minsan ‘pagka pumunta ka sa isang mall, tapos pumasok ka sa isang store, yung saleslady sobrang accommodating niya. Sa su.. [stutters]. Sa sobrang accommodating ng saleslady, alam mo yung kahit saan ka magpunta sa loob ng store nakasunod siya sa’yo. Eh di’ ba minsan… minsan nakakairita yung ganoon. Although ginagawa lang niya yung trabaho niya, pero diba’ nakakairita minsan na sunod lang ng sunod sa’yo ang saleslady.

“Ano ba? Mamaya na. ‘Pag may kailangan ako, tatawagin kita.”

“Kailangan ko mapag-isa. Huwag niyo ako sundan.”

Pero, don’t get me wrong, ah. Saludo ako sa mga saleslady na super, super mag-entertain ng kanilang customer, guest. Pero huwag naman masyadong O.A. yung parang ikaw na yung nahihiya dun sa store, kasi parang… feeling mo parang obligado ka bumili kapag sunod ng sunod sa’yo yung mga saleslady. ‘Di ba? Kahit hindi yun yung gusto kong bilhin, nabibili ko. Alam niyo yung minsan na parang sa sobrang sales talk ng saleslady, nabibili mo yung hindi mo dapat bilhin. Yun yung nararamdaman natin minsan pero syempre di’ natin masisisi yung saleslady kasi uhm… ginagawa lang naman niya yung trabaho niya, eh which is good, kasi uhm… trabaho niya yun na mag-entertain ng customers or pilitin… pilitin makabili yung customer ng product na yun. Tapos, may mga saleslady rin naman na suplada. Yes, di’ ba. Mga suplada sila, as in, di sila nag-eentertain ng mga… ng mga customers nila.

“Miss, meron ba kayo nito?”

“Ay wala ho kami niyan.” o “Ubos na po. Out of stock.” Duh?

Di’ ba may mga ganung saleslady talaga. Dahil diyan, kakain muna ako. Kasi…

One time nangyari ‘to sa’kin. Yung dad ko nagpunta sa mall, parang pumunta siya sa isang hardware sa mall. Madumi… madumi talaga yung suot niya, as in… Galing siya dun sa field. So ayun, madumi talaga siya. Hindi siya in-entertain ng saleslady, as in hindi siya in-entertain. Feeling ng saleslady, uhm… hindi siya bibili… Alam mo parang feeling niya pulubi yung tatay ko, parang ganoon. Pero merong isang ginintuang pusong saleslady na nag-entertain sa kanya. And, nagulat yung mga tao dun sa shop kasi maraming binili yung dad ko.

Oh, di’ ba? May mga saleslady talaga na judgmental. Alam niyo yung parang… parang mamatahin ka nila kung ano yung hitsura mo, kung ano yung… kung ano yung ka… ka-estado mo sa buhay. Di’ ba may mga ganoon.

May mga saleslady naman talaga na hindi nila ginagawa yung trabaho nila, as in tamad sila, as in, nakatingin lang sila sa ‘yo. Parang, duh? Parang “Bibili ba ‘to? Parang hindi naman.”

Sana nag-enjoy kayo dito sa maikling random talk ko about saleslady… Please guys, subscribe on my channel and thumbs up this video and comment in comment box below kung gusto nilang magcomment. Okay, see you later. Bye… Mwah!

[END]

wanna-know-answers

Answer Key: Saleslady Attack! (406 downloads )