Tag Archives: Filipino food street

Listening Comprehension Exercise: Maginhawa Street – A Foodie’s Paradise

Description: A mini-documentary featuring a food festival and popular eateries on Maginhawa street during a food festival.

Question 1: In which city is Maginhawa Street located?

  1. Vigan City
  2. Baguio City
  3. Quezon City
  4. Davao City
  5. None of the above

Question 2: What kind of food will you find in Maginhawa Street?

  1. Japanese food
  2. Korean food
  3. Persian food
  4. Filipino food
  5. All of the above

Question 3: How did Maginhawa Street start out to become food hub?

  1. Maginhawa Street is a backpackers’ destination, so small eateries opened to serve foreign travelers.
  2. The local government encouraged entrepreneurs to open up small eateries in Maginhawa Street.
  3. Maginhawa Street is near a military base, so small eateries opened up to cater to soldiers.
  4. Maginhawa Street is close to several schools and universities and small eateries opened up to cater to students.

Question 4: How did Chef Edward’s try to distinguish the food in Pino resto-bar?

  1. By serving traditional Filipino dishes, adapted with contemporary twists.
  2. By serving popular foreign dishes adapted to suit the Filipino palate.
  3. By serving a variety of the best foreign dishes around the world
  4. By serving Filipino dishes cooked in a classic, traditional way.

Question 5: What was the specialty of Emily’s eatery, which she claims was one of the first eateries at Maginhawa Street, which was featured at the new segment?

  1. Coffee-crusted beef belly
  2. Tuna belly in sour soup
  3. Roast suckling pig
  4. Salmon head in sour soup
  5. None of the above

Question 6: What is the theme of specialties of Jonathan’s bakery?

  1. Cakes inspired by popular international ice cream products
  2. Cakes inspired by Philippine childhood favorite candies
  3. Traditional Philippine desserts with a contemporary twist
  4. All-time favorite Philippine sweets made in the traditional way
  5. None of the above

 

Transcript:

Host: Ito ang food trip na mainit-init pa, dahil kahapon lang ipinsara ang mahigit dalawang kilometrong haba ng Maginhawa Street sa Quezon City. Sabay-sabay kasing inihain ng ochentang mga kainan na matatagpuan sa kalyeng ito ang kanilang  mga pambatong putahe. Name it, they have it.

Saleslady: Kain tayo chop-chai?

Host: May Japanese, Korean, Persian, at siyempre, Pinoy food. At kahit pa sa anong paraan ng luto na gusto mo. Ito ay isa sa mga highlight sa pagdiriwang ng seventy fifth anniversary sa pagkakatatag ng Lungsod ng Quezon, ang kauna-unahang Quezon City Food Festival.

Ang siste, limang libong gift certificates ang ipinamigay ng Q.C., bawat isa nagkakahalaga ng one hundred fifty pesos. Ito ang ipriprisenta sa mga kainan na papalitan ng meals at libreng souvenir plates. Pero ang walang gift certificates malaya paring makabibili ng mga pagkain.

Woman: It’s really delicious. Excellent.

Host: Parang kailan lang iilan lang ang mga kainan sa Maginhawa Street, kadalasan, mga garahe na ginawang negosyo ng mga may-ari. Ang target market, mga estudyanteng naghahanap ng mga murang makakainan, lalo pa’t malapit ang kayle sa mga eskwelahan, katulad ng U.P. Diliman, Ateneo de Manila University at ang Miriam College. Hanggang sa dumami na nang dumami ang mga tinatawag na hole-in-the-wall na kainan, mga food stall at maging mga restaurant. Tuluyan nang ibinilang ang Maginhawa Street sa mga tinatawag na food hub sa Metro Manila.

Isa na rito ang Pino resto-bar. Kwento ng isa sa mga may-ari na si Chef Edward, two thousand eight nung una silang nagtayo ng restaurant sa U.P. Village. At dahil daw tagong lugar ito noon, nag-isip sila ng mga gimmick para mapansin. Ang naging trademark ng kanilang resto, mga Filipino food with a twist.

Chef: Kung dadalhin mo sa isang lugar na… na nagseserve ng adobo, kare-kare na simple lang, sasabihin lang nila sa inyo “hindi actually kaya namin lutin ‘yan,” o “kaya ‘yan lutin sa bahay namin”.  So kailangan lahat ng food namin binigyan namin ng contemporary na dating, o mas moderno na dating.

Host: Ang talaga raw binabalik-balikan sa kanilang restaurant, kare-kareng bagnet.

Ang natimplahan at naiprito nang bagnet muling inilubog sa mainit na mantika para lumutong, at tsaka inihanda ang special kare-kare sauce.

Cook: Pagkatapos natin lutuin lahat i-pe-plate na natin siya.

Host: Sa plato, isinalansan ang mga gulay, linagyan ng sauce, bagnet at tinernuhan ng bagoong.

Customer:  Ah… Cream po yung sauce niya, at tamang-tama po yung kombinasyon niya sa bagnet tsaka sa rice.

Host: Isa rin sa kanilang ipinagmamalaki, ang coffee-crusted beef belly, na ang pangunahing sangkap tiyan ng baka na ibinalot sa kape at iba-ibang pampalasa, i-binake sa loob ng four to five hours. Sa pinggan, inilagay ang kanilang bistek gravy, mga patatas, ang beef belly, caramelized onions.

Customer: May tamis na may pait yung lasa niya.

Host: Pero para sa Maginhawa Food Fest kahapon, ang kanilang ipinanlaban, sisig bagnet.

Pero para kay Aling Emily sila raw talaga ang orig sa kalyeng ito. Ang karinderya raw kasi nila ang isa sa mga pinakanaunang kainan dito. At kahit marami na raw nagsulputang mga modernong kainan, kayang-kaya pa rin daw nilang makipagsabayan. Ang binabalik-balikan sa kanila, sinigang na ulo-ulo ng salmon.

Cook: Kasi naiiba po siya, pang-masa talaga siya, at lutong bahay siya.

Ang una po nating gagawin, magpapaku… maglalagay ng tubig. Pagkatapos, asin.

Host: Sinahugan ‘to ng kamatis at sibuyas.

Cook: Pagkatapos po natin ilagay ang mga ingredients, pagkuluan muna natin.

Host: Pagkakulo…

Cook: Pwede na natin ilagay sa… ulo.

Host: Noong naluto, linagyan ng mga gulay at pampaasim na kalamansi juice.

Cook: Ano po siya… Sariwa po siya at masarap po siya na pang-asim sa…

Customer: Masarap din. Malasa. Tama ang lambot. Tsaka yung lasa niya masarap.

Host: Kung pampatanggal umay ang hanap, marami rin niyan dito, gaya ng bakeshop ni Jonathan.

Ang kanyang specialty, mga cake na ang flavors mga kinalak’hang kendi, gaya ng Flat Tops, at Butter Ball. Pero ang kanilang best-seller, Haw Haw.

Dinurog muna ang Haw Haw kendi. Para sa batter, paghahaluin ang asukal, itlog at harina.

Baker: So ihalo po natin ang ating harina sa pinaghalong asukal at itlog.

Host: At tsaka i-binake…

Baker: So habang hinihintay po natin ang ating cake na maluto sa oven, gagawin muna natin ang ating filling…

Host: Para sa filling, ang powdered Haw Haw ihahalo sa cream cheese at tsaka linagyan ng vanilla.

Baker: So ngayon po na-bake na natin ang cake, so ilalagay na natin ang ating filling.

Host: Maya-maya lang, pinalamanan ang cake ng Haw Haw mixture at tsaka binalutan ng whipped cream.

Baker: Concept talaga ng shop, was medyo, uh… medyo throwback kumbaga. So if you look around makita niyo mga antiques namin, ganyan. So parang ‘nung naisip namin yun… naisip namin “Why don’t we also use something yung mga from the past din, like the candies that really remind us of our childhood?”

Host: Kahapon ng umaga, naghanda na ang lahat ng mga kaninan. Bawat food business may kanya-kanyang pakulo.

Stall attendant: Build your own burritos…

Host: Maya-maya lang, heto na ang mga makiki-chi-cha. Ang sisig bagnet ng Pino, hit!

Diner: Medyo mas creamy yung texture ng sisig nila dito, tapos uh… yung alat tama lang…

Host: Hindi rin nagpatalo ang sinigang na ulo-ulo.

Customer: Parang kulang pa sa’kin yung isang order eh. Eh kasi ang sarap-sarap eh.

Customer: Sikreto ata niya ‘yun noh?

Host: At siyempre, mga cakes ni Jonathan.

Customer: Masarap siya. Malambot. Yung gatas niya, talagang malasang-malasa. Yung Haw Haw nalalasahan ko po siya, tas’ naaalala ko po yung kabataan ko.

Host: Kasabay ng pagdiriwang, nagkaroon din ng mini-concert at fireworks display. Malayu-layo na nga ang narating ng Maginhawa Street sa Quezon City. Mula sa pagiging tahimik na komunidad patuloy itong gumagawa ng ingay bilang isa sa mga karapat-dapat na tawaging food trip capital, hindi lang sa Quezon City, kundi sa buong Metro Manila.

Answer Key: Maginhawa Street (225 downloads )