Category Archives: Listening Comprehension

Listening Comprehension Exercise: Filipino Cold Desserts

Difficulty Level: Maharlika (Intermediate Level)

Description: A news segment on Filipino traditional cold desserts reported by a native Tagalog speaker.

Question 1: Which Filipino desserts featured by the news segment?

  1. Halo-halo
  2. Scrambol
  3. “Dirty” ice cream in a hamburger bun
  4. All of the above

Question 2: This news segment was intended to be shown during which time of the year?

  1. During the summer, on Labor Day
  2. During Christmas time, during cool weather
  3. During rainy season, after a major typhoon
  4. None of the above

Question 3: What were some of ingredients of the halo-halo which were mentioned during the news segment

  1. Milk and ice shavings
  2. Beans and gelatin
  3. Yam and leche flan
  4. All of the above

Question 4: The “scrambol” was described by the reporter as the __________ of the halo-halo.

  1. Grandfather
  2. Father
  3. Offspring
  4. Cousin
  5. Partner

Transcript

Archorman: Kanya-kanya na tayo ng diskarte para tayo po ay magpalamig.

Anchorwoman: Alam niyo siyempre, ang hanap-hanap po natin ang mga pampalamig. O kayo? Ano ang perfect na pampalamig niyo ngayong summer? Ang Tatak Noypi ibandila mo, Tony Velasquez.

Reporter: Sa tindi ng init mga tao’y nanlalagkit. Tagaktak ang kanilang pawis, mas peresko pang maghubad kesa magbihis. Hanap-hanap ng Pinoy ang pampalamig na isusubo na lang niya sa kayang bibig. Masarap dapat sa panlasa, at magaan pa sana sa bulsa.

Wala nang mas panalo sa paboritong pinoy halo-halo. Sa sikat mang restorant…

Interviwee: Next one is ah… banana, saging na saba. So we put uh… one teaspoon full, so we’re very generous with our portions.

Reporter: O sa tabi-tabi lang ng daan. Tinitimplahang mga rekado sa isang basong gatas at yelo na kinaskas. May saging at langka, beans at gulaman. Ang timplang espesyal, may ube at leche flan. Mga kostumer na minsang nasarapan, ito na lagi ang kanilang binabalik-balikan.

Interviewee 2: Dinadayo po samin dito ‘tong halo-halo ni Mamasing…

Reporter: Ang scrambol naman ang pinsan ng halo-halo, may sangkap na gatas, arinbal at yelo at iba’t-ibang pampalasa na pwedeng idagadag dito. Linalagyan pa ng kending toppings ito bago hugupin sa malaking straw.

Ang ibang naiinitan dirty ice cream ang palaman sa kanilang hamburger bun. The subscriber cannot be reached para lang makatikim ng Pinoy ice cream sandwich. Ayon na rin mismo sa prediksyon ng PAGASA, asahan na ang pinakamainit na temperatura, ngayon mismong Araw ng Paggawa. Baka makapagdagdag pa ito sa init ng ulo ng mga oberong walang matatanggap na umento.

Kung ikaw ay pinagpapawisan sa trabaho o laro man, sikapin mong gawan ng paraan para laging cool ka lang. Kahit mga supot lang ng ice-water ang iyong pagsasaluhan.

Old lady: Ito ang da best halo-halo sa Tondo.

Reporter: Tony Velasquez, ABS-CBN.

[END]

Answer Key: Filipino Cold Desserts (295 downloads )

Tips:

Ang scrambol naman ang pinsan ng halo-halo…” – Meanwhile, the scrambol is the cousin of the halo-halo… “Pinsan” means cousin.

Notes: PAGASA is an acronym for The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomic Administration – the Philippine government bureau which monitors the weather.

Araw ng Paggawa is Labor Day (May 1 in the Philippines)

Listening Comprehension Exercise: How to Cook Crabs in Coconut Milk

Difficulty Level: Intermediate (Maharlika)

Description: This video is a cooking show on how to cook crabs in coconut milk. It is done by a talk show host who is well known for exemplifying the kolehiyala, or coño style of talking.

Question 1: According to the cooking show host, why does a group a group of friends eating crabs together stop acting overly girlish?

  1. Because they have to start eating with their hands.
  2. Because crabs are so delicious they lose control.
  3. Because crabs have a drug-like effect.
  4. Because some members in the group may be allergic to crabs.
  5. None of the above

Question 2:  The host tells the audience that her according to cook, these are the best kinds of crabs for cooking:

  1. male crabs
  2. female crabs
  3. “bakla” crabs
  4. “tomboy” crabs
  5. freshwater crabs

Question 3:  According to the host, what is the purpose of adding ginger to the dish?

  1. to make the dish more tangy
  2. to remove the unpleasant “fishy” taste
  3. to mask any rotten flavors
  4. to make the dish sweeter
  5. all of the above

Question 4: What is the host’s opinion on using canned coconut milk is okay for the dish.

  1. The freshness of the coconut milk must not be compromised by using canned coconut milk.
  2. Canned coconut milk is only acceptable if ginger is used to freshen its flavor.
  3. Canned coconut milk must never be used due to the danger of toxins.
  4. Canned coconut milk lacks flavor and nutrition.
  5. Canned coconut milk is acceptable to the host.

Question 5: According to the host, once you are done cooking the crabs and they are ready for serving, and else can you do to make them easier to eat?

  1. Take off the legs, they don’t have much meat anyway.
  2. Cut them down the middle for easier access to the meat inside
  3. Hammer them to crack the shells, especially the pincers
  4. Pry open the top shell from the bottom one
  5. Separate the limbs from the body

don't give up

Transcript

I think there is something magical about eating crabs. Yung mga pag mga magbabarkada kayo, tapos ang ihahain alimango. Lahat ng kaartehan sa katawan natatanggal, because lahat tayo nagkakamay. Later on, I’m going to show you how to create this magical alimango dish kasi ang gagawin natin yung fresh na gata i-inffuse natin with the flavors of garlic, ginger and also siling pangsigang, para tamang-tamang kagat lang, and of course my secret ingredient talaga na nagpapasarap sa lahat ng linuluto ko ang Maggi Magic Sarap.

Okay, mag-boboil muna tayo ng ating alimango. According to my cook, ang pinaka-bongga daw na alimango, ang hingiin yung bakla. Pero some like yung sobrang ma-aligue talaga, so yun yung babae pero kung yung gusto mo na tamang portion lang, okay ito eh.. This will take anywhere from maybe… kasi ang lalaki eh, mga eight to ten minutes ito.

Oil – you can use any type but I prefer either vegetable or canola, ‘pag ganito na I’m cooking with gata.

We want to infuse the oil with the garlic, at gusto natin na medyo magbrown na ng konti ang garlic but not over… [Scene cut]

… ‘Yan, yung naaamoy-amoy mo lang, that’s what you want to achieve. Ito yung ating ginger. Ang ginger nagtatanggal ng lansa. It’s super important ‘pag ganitong mga crustaceans ang liniluto natin. So, ilalagay ko na. At ilalagay natin. This is yung siling pangsigang. If you want to be more adventurous, at mas maanghang ka, sometimes at home ang ginagawa ko, linalagyan ko pa ng labuyo.

Honestly ah, sinabi sa ‘kin na dapat sabihin ko na yung fresh, ang bongga. So sa totoo lang pwede na yung canned. I’m saying that only because naaawa naman ako dun sa mga manonood sa atin na sobrang busy ang mga lives, all those working women. So I don’t want to torment you, gamitin niyo na lang yung delata, pwede na yan. It’s practically the same. But.. this’ the first. This is the sauce na gagamitin natin ha. The second. Para lumambot na siya, the kalabasa. You can also put, I think, eggplant, and sitaw if you like.

Once kumukulo ito, yung oil na manggagaling dun sa coconut milk at sa coconut cream, ‘yun yung nagpapasarap talaga so you want that oil to come out. But what really makes everything so much more special for me is Maggi Magic Sarap, whether it’s seafood, whether it’s chicken, whether yung liniluto ko yung ganito na masarsa, or whether nagfr-fry lang ako, perfect siya.

Simmer our sauce. This is really for pasta, pero you can also use it nga for seafood, para madali na lang ang life. Hmm.. usually…

Let it cool for a bit tapos pwede na natin i-chop na yan at lialagay ko na siya dito sa sauce. What I’m going to do, yung crab, ilalagay natin… sa ating gata. We want to incorporate the sauce very well. Again kung gusto niyo dagadagan ah, yung level ng anghang nito you can put the siling labuyo. Pero remember also na we’re maintaining the flavor of the crab kasi… [scene cut]

… the great thing talaga about Maggi Magic Sarap is hindi niya inaalter yung taste ng food, lalo lang [slurred] niyang pinapasarap.

Ohhh.. may magic.. Ohhh… sarap. So this is ready for plating. Kung gusto niyo nga pala, pwede rin na mas pinukpok pa, lalo na yung mga sipit, para mas madali when you have guests. Ang nakakatuwa ‘pag nagseserve ako parang sinasabi nilang lahat talaga “nagawa mo na yan?” but kung tinimingan niyo ‘di ba? It didn’t take long. Yun yung magic na binibigay talaga ng Magic Sarap. Sabi ko hindi ko guguluhin pero gusto ko nang guluhin para matikman ko. Ay, my god. Ang saya, ang sarap. Kumagat talaga yung flavor at yung lasa. nandun talaga yung sarap na hinahanap natin. Nako, you can really cook like a queen, because of Maggi Magic Sarap. Until next time. See you.

Note: she uses the word pangsigang which is acceptable, but it maybe noted pansigang is considered standard. A “bakla” crab, literally a male homosexual crab, is a crab wherein the gender is neither distinctly male nor distinctly female when examined from the outside.

wanna-know-answers

Answer Key: Cooking Crabs in Coconut Milk (291 downloads )