Policewoman, Candidate at Miss Earth Philippines

Policewoman, Candidate at Miss Earth Philippines

Video description:  This is a short news segment of a policewoman who became a contestant at the Miss Earth Philippines, a popular beauty pageant in the Philippines.

Transcription

Anchor Woman: Palaban ang isang policewoman pero this time hindi sa enkwentro kundi pagrampa sa beauty pageant. Kilalanin siya sa pagpapatrol ni KC Zalavaria.

Reporter: Bitbit ang mataas na kalibre ng baril, sa tikas at porma walang kinatatakutan, si Police Inspector Sofia Deliu. Chief Supply Officer siya ng Regional Public Safety Battalion 1. Pero sa ibang laban siya sasabak ngayon, ang pagsali sa Miss Philippines Earth bilang pambato ng Baguio City. Cordillieran ang kanyang ina at Romanian ang ama. Labing-apat na taong gulang pa lang si Sofia nang mahilig sumali sa mga pageant. Naging Semi-finalist na rin sa Miss Teen Philippines at Festival Queen si Sofia, pero ano nga bang nagtulak sa kanya para sumali sa Miss Earth?

Sofia: I do believe that uhm…we be should be able to serve and protect not only the people but the environment as well…

Reporter: At ang kanyang solid supporters, ang kanyang mga kabaro.

Policeman 1: Para makita din nila na ang kapulisan ay hindi lang sa pagmentena ng peace and order, but also to showcase yung ibang talent

Policeman 2: Para rin maipakita sa kanila may magaganda rin naman na…. talagang  pan-search na… pang-pageant

Reporter: Limampung naggagandahang kandidata ang makakalaban ni Sophia simula sa pre-pageant event sa Abril. KC Zalavaria ABS-CBN, La Union.

Take the quiz:

Welcome to your Quiz on Video 1: Policewoman, Miss Earth Candidate

NameEmailPhone Number
1) What city will Sofia be representing at the Miss Earth Philippines Beauty Pageant?
2) Where are Sophia's parents from?
3) How old was Sofia when she became interested in joining beauty pageants?
4) How many other contestants will Sofia face in the pageant?


Be sure to click Submit Quiz to see your results!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *